Una sa Balita

Bea lutang ang ganda sa tabi ni Yoona

0 526

Sa naganap kamakailan na International Film Festival & Awards Macao, kinilala ang “Unbreakable” star na si Bea Alonzo bilang isa sa pitong tumanggap ng “Asian Stars: Up Next” award.

Rumampa nga ang 2-time Box Office Queen sa red carpet ng prestihiyosong kaganapan sa Macao para sa closing ceremony.

Proud na proud talaga ang mga fan sa kanilang idolo lalo nang makita na katabi ng aktres ang ilan sa mga international star na kanilang iniidolo rin.

Trending sa social media ang mga litrato at video clip kung saan magkasama sina Bea at Lim Yoona na miyembro ng all-girls KPOP group na Girls Generation (SNSD). Ang ganda-ganda ni Bea sa tabi ni Yoona, ha!

At hindi lang si Yoona ang international star na nakatabi ni Bea, ha! Pati ang dalawang miyembro ng Japanese group na BNK48 na sina Music at Jennis.

Sumikat ang Girls Generation noong 2007 na siyang nagpasikat ng mga kantang “Oh!” at “I Got a Boy”. Habang 2016 naman nang sumikat ang BNK48 na nagpasikat ng “Koisuru Fortune Cookie”.

Mas lalong kinilig sa tuwa ang mga fan sa video clip kung saan ipinakikilala ni Bea ang kanyang sarili sa lahat ng kasama niya sa naturang kaganapan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More