Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea kinasasabikan ni Lloydie

0 103

Sinigurado na ni John Lloyd Cruz na matutuloy ang balik tambalan nila ni Bea Alonzo. Siyempre, si Direk Cathy Garcia Molina ang magdidirek nito.

Pero, ano ba ang problema at hindi pa rin nasisimulan, o wala pang balita kung kailan talaga matutuloy ang paggiling ng kamera?

“Almost a couple of years na ako naghihintay ng final script.

“We’re waiting for the final script. Makakasama rin namin ni Bea ang ibang mga (artista) na nakasama namin sa ‘One More Chance’,” sabi ni John Lloyd kay Direk Ceasar Soriano sa chikahan nila sa programa ng huli ang ‘Boses ng Masa’.

SM food to go Banner Ad

Pero giit nga rin ni Lloydie, kahit naman daw noong nawala siya sa ABS-CBN, gumagawa pa rin naman siya ng pelikula. Hindi naman daw talaga siya nagpahinga.

“Mula noong nagbakasyon ako, nag-leave sa ABS-CBN, hindi naman ako tumigil sa paggawa, at sa kabutihan ng loob ni Direk Lav Diaz. Mula noon, 4 years ago na, siguro naka-apat din kaming pelikula.

“Pero, ang mga kagayang direktor ni Lav Diaz, mas lumalabas ang kanilang mga pelikula sa ibang bansa. Pero nagkaroon ng pandemic, nagkaroon ng maraming changes sa industriya ng festival sa ibat ibang dako ng mundo, kaya natigil din,” saad pa ni John Lloyd.

Anyway, ang Crown Artist Management ni Maja Salvador nga ang mangangalaga ng career ni John Lloyd. Bongga nga ang paandar ng comeback niya sa showbiz. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.