Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea, John Lloyd nag-date sa Batangas

0 213

Super kilig na naman ang mga fan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz dahil sa naglabasang mga photo sa social media, na kuha sa Batangas. Sa simula, nagduda ang mga fan, na baka photoshopped lang ang mga `yon, kaya binusisi muna nilang mabuti.

Kasi nga, usong-uso sa Instagram, Facebook ang mga photo na pinagdikit-dikit lang ng mga fan, para palabasing magkasama ang kanilang mga idolo.

Pero, ang latest photo na ito nina Bea at John Lloyd ay authentic, o hindi peke. Sadyang magkasama ang dalawa sa Batangas, base na rin sa pagsusuri, at sa Instagram na rin ng mga taong nakasama nila, at mga nakakita sa kanila.

Dahil may kasamang taga-Star Magic ang dalawa, posible nga na shooting ito ng isang commercial nila.

And in fairness kay John Lloyd, biglang bumalik ang kaguwapuhan, ka-freshness niya, ha! Parang may kakaibang hatid na dala sa kanya ang pagsasama nilang muli ni Bea.

Well, good news ito para sa mga fan ng dalawa, na sabik na sabik na talagang makita ang mga idolo nila na magkasama. At `yun na nga, sobrang kilig na kilig sila sa mga naglabasang photo ng dalawa, na para sa kanila ay simula na nga ulit ng magandang samahan, tandem nina Bea at Lloydie.

Jose Rizal, Muro-Ami bibida PPP 4

Muling mapapanood ang ilan sa mga dekalidad na pelikula ng GMA Network na tumatak sa Filipino moviegoers sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival simula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13 sa kanilang Main Feature Film Showcase.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matutunghayan ulit ang directorial debut ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V. na “Family History,” kung saan nakasama niya ang aktres na si Dawn Zulueta at sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Kasama rin sa mapapanood dito ang “Jose Rizal,” “Muro-ami,” “Moments of Love,” “Saranggola,” “Sa Pusod ng Dagat,” at “Deathrow.”

Para sa mga detalye kung paano makakakuha ng slot sa online PPP festival, bisitahin lang ang FDCP Channel website na https://fdcpchannel.ph/ at subaybayan ang updates sa GMA Network social media pages.

Zaijian bet jowain si Inigo

Kaaliw ang trailer ng pelikulang Boyette: Not A Girl, Yet, na bida si Zaijian Jaranilla, ha! Si Inigo Pascual nga ang bet na bet dyowain ni Zaijian sa movie na ito.

Maraming eksena ang dalawa na tila nagpapantasya talaga si Zaijian kay Inigo. Na ramdam na ramdam ang nag-uumpaw na pagmamahal niya sa anak ni Piolo Pascual.

Anyway, dahil raw sa pelikulang Boyette, mas naging malinaw sa isip n ina Inigo at Zaijian na dapat respetuhin ang mga beki, lalo na `yung mga matataas ang respeto sa kapwa.

Wala raw pangit na karanasan ang dalawa sa mga beki. At para sa kanila, masarap daw kaibiganin ang mga beki, dahil maalaga sa kapwa, masayahin, at productive.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.