Una sa Balita

Bea itinanggi ang relasyon kay Dominic

0 752

Ni: Rose Garcia

Tumawa na lang si Bea Alonzo nang diretsahan itong matanong sa mediacon ng bago niyang pelikula sa Star Cinema, ang “Unbreakable”, sa naging “breakable” relationship nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Mas maganda at mukhang mas masaya na raw kasi ang aura ni Bea ngayon kaya puwede na niyang sabihin kay Gerald na, “o Gerald, ano masasabi mo?”

Mukhang hindi na raw affected ang actress sa naging masalimuot na break-up nila.

“Oo, tapos na ko do’n, okay na ‘ko,” sey niya.

“At saka, sobrang daming blessing na dumating. Parang nag-360 ang daming dapat kong ipagpasalamat. Na-realize ko na marami pa lang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa.”

Kahit na ang Kapamilya actor na si Dominic Roque ang constant na nakikitang kasama ni Bea ngayon at nali-link dito, itinanggi ni Bea na may naging kapalit na si Gerald o may bago na siyang boyfriend.

“Wala pa naman po, parang magpapahinga muna ko. Parang hindi ko pa kaya.”

Saka sinundutan ng tanong na, ibig sabihin daw, hindi pa talaga siya nakaka-move-on?

“Hindi naman kailangang magka-boyfriend para patunayang naka-move on ka na,” natatawang paliwanag naman ni Bea.

Napa-“ang saklap naman!” na sagot naman si Bea nang tanungin ito kung naniniwala siyang may panibago o may naghihintay pa rin sa kanyang bagong romance.

“Ang saklap naman kung wala. At saka, hindi naman sinasara ang puso, magpapahinga ka lang. When the time comes na ready ka na ulit, e, ‘di, open mo na ‘yung heart mo ulit.”

Ang pelikulang “Unbreakable” ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa November 27 under the direction of Mae Cruz-Alvar.

Richard naghahanap ng matinong dyowa para kay Alonzo

Sa isang banda, nang gawin ni Bea Alonzo ang “Unbreakable”, halos sabay ito nang sumabog ang balita sa break-up issue nila ni Gerald Anderson at ang isyu sa kanila ni Julia Barretto, kunsaan, ang huli ang lumalabas na tila third party.

Dahil fresh pa at after na lumabas ang isyu ay nag-storycon naman sina Bea at Richard Gutierrez, aminado ang aktor na naging daan din ito na mas nag-bond silang dalawa.

Karamihan kasi ng mga eksena ni Richard sa movie ay si Bea ang kasama niya bilang mag-asawa sila rito.

Ayon kay Richard, “Parang nakilala ko siya. Siyempre, kapag may pinagdadaanan ang tao at nag-open up sa‘yo, automatic makikilala mo na siya agad kung ano ang pinagdadaanan niya and you feel for that person and you understand what he’s going through.

“Parang automatic, in instant, nag-bond agad kami.”

Umiyak ba si Bea sa kanya?

“Parang hindi naman siya umiyak,” sabi ni Richard.

Nagbigay rin daw siya ng advice kay Bea pero ayon dito, “Minimal lang naman ang mga advice ko sa kanya that time dahil siyempre, nag-iingat din ako sa mga sasabihin sa kanya kasi, sobrang fresh pa ang nangyari sa kanila that time.

“I was there lang to listen.”

Ninang si Bea ng ikalawang anak nina Richard at Sarah Lahbati na si Kai. Natawa na lang si Richard nang may magpaalala na huling nakitang magkasama pa sina Bea at Gerald, days before the break-up issue ay sa binyag ng anak nila.

“Kaya nga instantly, parang naging bonded kami dahil narinig ko ang mga pinagdaanan niya,” sabi pa ni Richard.

At nakita raw niyang naka-move on na talaga si Bea.

Bukod kay Bea, isa pa sa mga female lead ng “Unbreakable” ay si Angelica Panganiban. Si Angge naman daw, medyo matagal na ang break-up.

“Si Angge, iba e, tapos na. At saka, si Angge kasi, parang recently ko lang siya nakasama sa mga eksena. Parang most of her scenes was with Bea.”

Si Richard naman ay very happy with his relationship with Sarah Lahbati at sa nalalapit nilang kasal.

Baka meron na lang siyang kaibigan na puwedeng ireto sa dalawa?

“Naghahanap ako ng matinong friends ko! Hahaha!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy