Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea gusto nang magka-baby

0 291

Nakakaramdam na ng pressure si Bea Alonzo. Ramdam na ramdam na niya na napag-iiwanan na siya ng mga kasabayan niya.

Napag-iiwanan pagdating sa relasyon, o buhay bilang may-asawa, at bilang isang ina.

“I feel the pressure. Hindi ako magpapakaipokrita. Kasi nata-tag ako sa mga pictures, I see those comments,” sabi ni Bea sa Instagram live chikakan nila ng kaibigang si G3 San Diego.

Pero sabi pa rin niya, nakakaramdam nga siya ng takot sa pagpasok sa isang relasyon.

“Baon ko lahat ng lessons from the past. Mas takot ako ngayon, kahit sabihin mo na meron tayong timeline, I’m already 32. Pag nakikita ko ang iba, parang first time ko in my life, na kasi hindi ako inggitera.

“First time ko in my life na nag-iisip na…

“Oh my God, may baby na sila, kelan kaya ako? I think `yun ang mas gusto kong mangyari, para sa sarili ko. Not just to have a relationship, but to have a partner.

“I would like to build a family, more than just having a boyfriend. Excited ako na bumuo ng pamilya, nandiyan na ako,” sabi ni Bea.

Inamin niya na lumalabas-labas naman daw siya. Hindi niya binanggit kung sino ang nakakasama niya. Sa napanood kong video, hindi naman nabanggit ang pangalan ni Dominic Roque, at mas napag-usapan pa nga si John Lloyd Cruz, na mula raw noong bata pa siya ay nasa tabi na niya, at naging saksi sa mga kaganapan sa buhay niya.

Na naranasan na raw nila ang iba’t ibang klaseng relasyon ni John Lloyd, bukod lang sa pagiging ‘magdyowa’, ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.