Una sa Balita

Bea, Gerald patago kung maghalikan

By
0 945

Inulan ng tukso si Bea Alonzo matapos itong mag-post ng vi­deo sa Instagram ng kanyang graduation dinner na nilagyan ng hashtag na #bakedbybea.

Paano ba namang hindi tutuksuhin ang Movie Queen ng ABS-CBN dahil special guest nga para tumikim ng kanyang inihandang food ay si Gerald Anderson.

“Sharing a little preview of my graduation dinner covered by @niceprintphoto #bakedbybea,” sey ni Bea.

Hindi agad makikita sa umpisa ng video si Gerald dahil ipinakita muna ang mga kilos, galaw at pagiging aba­la ng Kapamilya actress sa ginagawa nitong preparasyon sa kanyang dinner.

Sa kalagitnaan ng video masisilip na ang mga mukha ng kanyang mga bisita kabilang na ang head ng RSB Production na si Direk Ruel Bayani. Maya-maya ay nakita na si Gerald na may solo frame na lumakad hawak ang isang malaking bouquet of flowers.

Sinalubong siya ni Bea at tinanggap ang dala nitong mga bulaklak. Nabigo nga lang ang mga fan ni Bea na makita kung nagbeso lang ba ang dalawa, o may kiss sa mga labi, dahil humarang ang mala­king bulaklak sa mukha nila.

Pagtanggal ng bulaklak sa mukha nina Gerald at Bea na hawak-hawak ng aktres, niyakap ng una ang huli.

May mga photo si Gerald na kasama si Bea at iba pang bisita.