Una sa Balita

BEA-GERALD, NAG-‘BABE TIME’ SA SUBIC!

By
Bea Alonzo at Gerald Anderson
0 2

Kilig-kiligan na naman ang mga Bea-Rald fans, o Bea Alonzo at Gerald Anderson followers, dahil finally ay nagka-Babe Time nga raw ang dalawa.

Sa Subic nitong weekend lang naga­nap ang ‘Babe Time’ nila, dahil pareho ngang busy ang magdyo­wa.

Si Bea ay busy sa taping ng A Love To Last nila ni Ian Ve­neracion. Si Gerald na­man ay na­ging busy sa preparation sa LA marathon.

At ngayong medyo maluwag na ang schedule ni Gerald, at ang teleserye lang muna nila ni Kim Chiu (pero nagpapagaling pa yata si Jake Cuenca sa bike accident niya kamakailan), kaya may konting time sila ng dyowa niya ngayon.

Well, makikita naman sa photos nina Bea at Gerald na happy’ng-happy sila sa sitwasyon nila nga­y­­on. At sana, tuluy-tuloy na…