Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea, Dominic lambingan buking sa IG, Tiktok

0 69

Buking sa Instagram story at TikTok ang ‘lambingan’ nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sunod-sunod nga ang mga post ni Bea sa kanyang IG story.

Sa simula ay makikita ang mga exercise na ginawa niya, mula push up, pagbubuhat ng bakal, pagtakbo, pagbibisikleta, at kung ano-ano pa.

“Found a new way para pahirapan ang sarili ko,” sabi ni Bea dahil ang tindi nga ng mga ehersisyo na ginawa niya, at mukhang kilo-kilong taba ang nawala sa kanya.

“Off to dinner!” kasunod na chika niya na kitang-kita na nagpaganda talaga siya.

“Deserve ko to,” sabi niya sa video na nagpu-pour siya ng wine.

Sunod-sunod din ang mga ginawa niyang IG story ng iba’t ibang klaseng Japanese food. At hirit talaga niya, pinaghandaan talaga niya ang dinner (date) na `yon.

At sino pa nga ba ang kasama ni Bea, kundi si Dominic. At makikita rin` yon sa kanyang Instagram story. Pinost din ni Dominic ang mga pagkain na nilantakan niya, na pareho rin ng mga pinost ni Bea.

Pero sa Tiktok account niya, buking na buking na nga ang date nila ni Bea.

“Jap night is date night,” sabi ni Dominic kasunod ang pulang heart.

At mas detalyado nga ang mga Japanese food sa post niya na nilantakan nila ni Bea.

Pero ang last frame ng video niya saTikTok ang mas nakapagpakilig talaga sa mga fan. Dahil kitang-kita nga ang holding hands nila ni Bea. Si Bea at wala nang iba, dahil sa relo na suot din ng babae.

Heto nga ang reaksiyon ng mga kilig na kilig na mga fan:

“That’s Bea’s watch!”

“Ahhh, Bea’s IG story tho’. U both deserved to be happy.”

“BeaDom si real!”

“I’m so kilig! Kagabi pa to!”

“I saw the IG story of Bea.”

“Hoyyyy kinilig ako!”

Well, ramdam naman na marami ang pabor sa relasyon nina Bea at Dom. Kaya hiling ng mga fan, sana ay ilantad na talaga nila, aminin na nila, para mas bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.