Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea ‘di pa bet maging Mrs. Roque

0 14

Marami ang curious kung ang ina ba ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay boto kaya sa present boyfriend niya na Dominic Roque.

Masasabing marami na rin ang nag-aabang at natutuwa sa mga reaction o comment ng mommy ni Bea na si Mommy Mary Anne simula nang naipi-feature ito ni Bea sa kanyang vlog.

Hindi nasagot ng diretso ni Bea ang tanong ng yes or no sa naging unang guesting niya sa ‘The Boobay and Tekla Show’. Pero ang ina naman daw kasi niya, hindi naman talaga nakikialam sa lovelife niya.

“Si Mama kasi, never nakialam ‘yan sa lovelife ko. Nanghihimasok or nagi-intervene na lang siya kapag na-feel niyang nasasaktan na ‘ko.

“But never siyang nakialam. Kasi para sa nanay ko, kung diyan ka masaya, I will support you all the way, all the decisions na ginagawa ko sa buhay ko, may tiwala siya that I always make the right decision.

“Ngayon, nakikita niya na masaya ko, so masaya rin siya para sa akin.”

Sabi pa ni Bea, “Ang relationship kasi namin ni Mama, hindi kami parang mag-nanay, para kaming mag-bestfriend. Kasi she had me when she was 20 years old, so parang hindi malayong-malayo ang age gap namin.

“Para kaming magbarkada.”

Natatawang hirit pa ni Bea, “Si Mama lang ang nakaka-bash sa akin ng harap-harapan.”

Tinanong din sa TBATS kung naiisip na raw ba ni Bea na magpakasal na. Pero ayaw raw niyang magmadali.

“Parang too early, parang hindi pa naman—we’re still getting to know each other on a deeper level and para sa akin kasi, ayokong magpa-pressure just because nagkaka-edad ka na or lahat ng kaibigan mo, nagpapakasal na.

“May kanya-kanya tayong timeline, may sarili akong timeline.” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.