Una sa Balita

Bea ‘di naging dyowa ng anak ni Erap

0 595

Mariing itinanggi ni Jake Ejercito ang isyu sa kanila ni Bea Alonzo na nabigyan ng romantic angle. Sa presscon ng lalabas niyang movie na pinagbibidahan ng kuya niyang si Sen. Jinggoy Estrada, ang “Coming Home”, nakatsikahan ng “Abantelliling” si Jake at naitanong ni Dondon Sermino ang nag-viral na larawan nina Bea at Jake na magkaharap sa larawan na na-post sa social media.

Ayon kay Jake, “plus one” siya sa birthday party ni Bea nang isama siya ng kaibigan nitong stylist. Hindi magkakilala nang personal sina Bea at Jake.

Sa party lang nagkakilala sina Bea at Jake.

Sey pa ni Jake, fan siya ng movie ni Bea, ang “One More Chance” kaya dumalo siya sa birthday nito. Natulala raw siya nu’ng una niyang makita si Bea.

Nasalang siya sa staring challenge nilang dalawa ni Bea, pero hanggang doon na lang ‘yun at wala nang humigit pa.

Nabaliw lang si Jake dahil naging controversial ang pic at kung ano-anong haka-haka na ang lumabas. Tatlo o dalawang taon nang loveless si Jake.

Action movie lugmok na

Balik-pelikula si Sen. Jinggoy Estrada sa isang drama-comedy family oriented movie na “Coming Home” na ila-line-produce ng ALV Films.

Makakasama ni Sen. Jinggoy ang half-brother niyang si Jake Ejercito at sa pangalawang pagkakataon naman ay ang kanyang anak na si Julian Ejercito.

Makakasama ni Jinggoy sina Sylvia Sanchez at Ariella Arrida.

Tila, lugmok na talaga ang Pinoy action films sa regular run showing, kaya mas ginusto ni Jinggoy na drama-comedy ang gawin kaysa action kung saan siya nagsimula at nakilala sa genre na ito.

Asahan na isang magandang tear-jerking project ang pelikula na tatalakay sa conflict ng pamilya at sa iba pang samu’t saring problema ng bawat characters.

Juday excited nang gumanap na Mother Lily

Super-excited si Judy Ann Santos na gampanan ang character ni Mother Lily Monteverde sa film bio nito na ididirehe ni Erik Matti at sa joint production ng Regal Films Reality Entertainment.

Sa kanyang Instagram post kasama sa selfie pic si Mother, nagpahayag ng kanyang excitement sa project. Ayon sa caption, kinilala at pinasalamatan ni Juday si Mother Lily sa kanyang karera sa showbiz.

Si Mother ang nagbigay-daan sa acting career ni Juday bilang child star.

Isa si Juday sa pinagpiliang gaganap sa character ni Mother Lily bukod kina Vilma Santos at Sharon Cuneta.

Magiging madali kay Juday ang gampanan ang role ni Mother Lily lalo’t kilala na niya ang Regal matriarch.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More