Una sa Balita

Bea certified maninisid na

By
0 102

Certified open water diver na si Bea Binene. Kasalukuyang nasa Coron, Pala­wan ang Kapuso arist para sa kanyang scuba diving lessons.

Finally back. 😍👌🏽 #Coron #Scuba

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

Pasado si Bea sa kurso niyang kinuha kaya kaya lisensiyado na siyang open water diver.

“I passed! Now a certified open water diver, FINALLY! Special shout out to my dive instructor, @martin_huber85 of Reggae Dive Center here in Coron for teaching­ me everything and making me understand all the things I should know,” saad ni Bea sa kanyang Instagram.

Siyempre, nagpasi­lip muli ng kaseksihan niya si Bea habang nasa Palawan­, huh!

Klea Pineda feeling winner kahit talunan

Klea Pineda

Naglabas ng kanyang saloobin si Klea Pineda sa sinalihang 11th Asian Supermodel Contest na ginanap sa Saipan, USA last December 16. Hindi man pinalad, nag-uwi naman siya ng Miss Photogenic award.

“Not bad for a first timer. I can’t believe na naka-survive ako sa isang linggong puno ng challenges ngunit sobrang puno ng magagandang aral at alaala. Salamat sa mga tao na nagbigay sa akin ng tiwala, isang karangalan na i-represent ang ating bansa sa isang kompetisyon na ganito.

“Gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil alam kong ginabayan niya ako sa laban na ito,” bahagi ng pasasalamat niya sa IG.

“Hindi man ako nanalo at least marami akong natutuna­n #MsPhotogenic #asiansupermodelcontest2017,” saad pa ng grand winner ng Starstruck 6.”