Una sa Balita

Bea, Carla, Liza nagpatalbugan sa Fashion Week

By
0 2,513

Ang bongga ng Bench Fashion Week for spring and summer collections this year featuring the clothing lines of Vero Moda, Karen Millen, the sophisticated dresses created by Vania Romoff at siyempre, ang Kashieca na ginanap sa tower playground ng Bench building sa Bonifacio Global City last Friday only.

Ang unang celebrity na dumating ay si Gloria Diaz na kahit naka-simpleng black pants lang at light blue collared polo ay ang lakas pa rin ng dating pagpasok sa venue at very regal kasama ang kanyang sister na si Coroy na isa raw sa nag-aasikaso ng Sunnies na negosyo ng kanyang pamangking si Georgina Wilson at anak niyang si Isabelle.

Dumalo rin ang guwapong pakets (bagets) na si Grae Fernandez na sinundan ng jonakis ni Ogie Alcasid na si Leila na marunong pa rin maka­kilala.

Present din si Dominic Roque at equally hunk at yummy kuya niya na kahilera sa front seat ang Bench honcho na si Ben Chan at ang may kontrobersiyal na pictorial na naka-trunks with matching bonggang pajukol na tila may tuta o bato para sa away, o santol na bagoong na lang ang kulang sa loob o santolan station na para sa summer campaign ads ng nasabing sikat na clothing line!

Of course, hindi nawala sa unang araw ang mag-asawang sina Congresswoman Lucy Torres at Mayor Richard Gomez ng Ormoc, Leyte.

Kabog ang first day ng fashion week dahil sa finale ay kumpleto at nagsanib-puwersa sa rampa ang apat na naggagandahang celebrity endorsers ng Kashieca na huling rumampa! Naunang lumabas ang Bagani star na si Liza Soberano na pinalakpakan nang bongga ng mga attendee na sinundan ng model na si Kelsey Merit na kakaiba rin ang ganda.

Pangatlong rumampa ang pinakabagong endorser na si Kapuso actress na si Carla Abellana na suportado ng kanyang manager na si Arnold Vegafria na nasa audience. Last but definitely not the least ang beauty ni Bea Alonzo na pinakamatagal na ngang endorser ng nabanggit na clothing line kesa sa tatlo. Pero aminado ang Kapamilya actress na nauna sa kanya si Georgina.

Puro pa­puri at magagandang salita ang apat para sa isa’t isa na mukhang magkakasundo naman.

Liza naka-21 shooting days na sa Darna

Sa maiksing panayam, matipid man ay inamin ni Liza na tuloy ang pelikulang Darna, kahit tila bawal tanungin sa young actress ang tungkol dito.

Sabi nga ng kanyang manager na si Ogie Diaz sa exclusive phone interview sa kanya sa radio program namin nina Ms. F, as in Fernan de Guzman, at Josh Mercado na Wow, It’s Showbiz ay tuloy na tuloy raw ang pagpapalabas ng Darna sa kabila nang naisulat na ‘Is Darna shelved?’

Maging si Liza raw ay nagulat sa lumabas na issue na tinatanong kung hindi na nga ba tuloy ang Darna samantalang nagsu-shooting nga siya nito sa mga araw na wala silang taping ng Bagani.

At kahit salitan ang schedule ng young actress sa taping at shooting ay hindi raw nito alintana ang pagod, dahil sa mga papuri sa kanyang pagganap sa teleserye na natatanggap nito mula sa maraming tao sa loob at labas ng industriya na nakakapanood ng Bagani.

Hindi lang din daw masalita o makuwento ang kampo nina Ogie at Liza na kesyo naka-20 shooting days na ang Darna o magtu-21 shooting days na, dahil ayaw nilang mawala ang mystery o pagkasabik ng mga manonood sa pelikula which is tama nga naman at baka maumay pa o mawalan na ng interes ang mga tao kapag paliging pinag-uusapan.

Mabusisi at metikuloso rin daw ang paggawa ng Darna ng direktor nito na si Erik Matti hindi tulad ng romcom type of movie o teleserye, ayon pa kay Ogie. Sa isang shooting­ day ay nakakaisa o dalawang sequences lang sina Liza sa sobrang pagpapaganda ng pelikula. Although, sa ngayon ay wala pang masabing playdate si Ogie at ang Star Cinema productions kung kailan ngayong taon ipalalabas sa mga sinehan ang Darna!