Una sa Balita

Bea Alonzo pinasalamatan ng pamilya ni Mico Palanca

0 858

Ipinaramdam ni Bea Alonzo ang kanyang pakikidalamhati sa pagpanaw ng ex-boyfriend niyang si Mico Palanca.

Through Instagram ni Bea ay pinost niya ang; “I just want to keep still and quiet for a moment and let the universe unfold its mystery. My prayers go out to the ones grieving and going through tough times. Love and light. Blessed are those who mourn, for they will be comforted” Matthew 5:4.

May pinadala rin siyang wreath or flowers sa burol ni Mico at pinasalamatan naman ito ng half sister ni Miko na si Erika Hocson.

Alfred Vargas may ‘K’ sa TOYM

Na-witness ko noon nung i-launched ng ABS-CBN Star Magic ang mga bagong artista na kinabibilangan ni Alfred Vargas na ka-batch din ni Dennis Trillo.

Basta ang natatandaan ko ay gra­duate siya ng Ateneo de Manila University, kaya ang tingin namin sa kanya noon ay mula sa buena ­familia.

Ngayon ay nasa magandang kinalalag­yan si Alfred bilang Q.C. ­Congressman at nasa ikatlong termino na siya. Ibig sabihin ay maayos ang serbisyo publiko niya kaya paulit-ulit siyang binoboto ng mga nasasakupan niya.

Kahit nasa public service ay ­nagagawa pa rin niyang umarte sa ­camera. ­Aminado si Alfred na malaki ang nagawa ng ­pagiging artista niya sa kinalalagyan niya ngayon.

Sa pagtatapos ng termino niya bilang Congressman ay wala pa raw siyang plano kung anong ­posisyon ang tatahakin niya.

Kamakailan lang ay ­tumanggap si Alfred ng isang prestigious award bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM) given by JCI Philippines for his exemplary public service. Ito ay pinagpilian mula sa 100 aspirants hanggang ­ma-trimdown sa 15 or 10.

Kaya malaking kara­ngalan ito kay Alfred bilang isang mamamayan na nagseserbisyo sa taong bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More