Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea Alonzo palaging mabango ang hininga

0 393

Tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez na finally ay nakasama na niya si Bea Alonzo sa lumalaking pamilya nila. Si Bea na mapili nga pagdating sa pakikisalamuha sa mga kapwa artista.

Pero heto nga siya, tinupad ang birthday wish ni Rhea Anicoche-Tan, ang President at CEO ng Beautéderm Corporation.

Matagal na ngang pangarap ni Miss Tan na makuhang endorser si Bea, dahil gandang-ganda nga siya rito, at bilib na bilib din siya sa husay nitong umarte.

At yes, heto nga at finally ay endorser na si Bea ng pinakabago nitong produkto na Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

Isa na namang ‘di malilimutan na milestone ito sa buhay ni Miss Tan.

Mula nga noong sinimulan niya ang kumpanya 11 years ago, isa sa mga ultimate dreams ni Rhea ang makasama si Bea bilang bahagi ng illustrious roster of Beautéderm Brand Ambassadors. Kaya super happy siya na nagkatotoo na ang kanyang pangarap na kabilang na sa kanyang stable of amazing endorser ang manining na aktres.

“Ina-admire ko si Bea. It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser. Noong una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kumpanya kaya naman talagang nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait. Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya – she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me,” pahayag ni Rhea.

“It feels great! I’ve always been curious about the brand. Bilib ako sa kung paano lumaki ang kumpanya at mabilis na lumaki ang pamilya nito.

SM food to go Banner Ad

“Marami akong mga kaibigan na bahagi ng Beautéderm family, and I’m happy that I can finally endorse this brand alongside them,” saad ni Bea.

“Happy ako at kasama ka na namin anak,” sambit naman ni Sylvia, na isa nga sa mga pioneer endorser ni Rhea.

Anyway, aliw nga ang unang pagkikita nina Bea at Rhea.

“I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns,” chika pa ni Bea.

Anyway, para kay Bea, mahalaga ang Etre Clair sa gitna ng pandemiya.

Ang Etre Clair, na isang antibacterial mouth spray, ay bahagi ng all-natural healthcare line ng brand at ito ang katuwang ng bawat consumer sa kalusugan at kagandahgan. Made with 100% organic ingredients, mayroong potent antibacterial ingredients ang mouth spray na ito na tumutulong sa mga throat discomforts na sanhi ng mga harmful microorganisms.

“These days, lagi kong ginagamit ang Etre Clair, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” sabi ni Bea.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Etre Clair at para sa mga exciting updates tungkol kay Bea Alonzo at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.