Bea Alonzo gumawa ng face shields para sa mga frontliner

0 675

Bukod sa pagbibigay ng donasyon, tumulong na rin si Bea Alonzo sa paggawa ng mga face shield para sa mga frontliner.

Personal na gumawa ng face shields ang Kapamilya star sa mismong bahay niya. Nakaposte sa Instagram niya ang kahon-kahon na alcohol at mga materyales na gagamitin sa pagbuo ng face shield.

Pinasalamatan ni Bea ang isang kaibigang nag-donate ng 2,000 raw material sa gagawing face shield at 100 gallons ng ethyl alcohol.

Kabilang si Bea sa isang foundation na binanggit niya sa post, na I AM HOPE ORG. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...