Una sa Balita

Bea, ‘di nag-enjoy sa halik ni Derrick!

By
Bea Binene at Derrick Monasterio
0 2

Pinabulaan ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio na seryosong ­siyang nanliligaw kay Bea Binene. Magkatambal ang dalawa sa ­Hanggang Makita Kang Muli, pero trabaho lang daw muna sila at walang ligawan.

“Hindi po ako nanliligaw kay Bea. Sobrang close lang namin.

“Yung closeness namin, nami-mistake nila as panliligaw,” ­ngiti pa ni Derrick.

Sinegundahan naman ito ni Bea.

“Kasi si Derrick is one of my closest friends talaga. Noong Tween Hearts pa kami close.

“Alam naman niya na hindi pa puwede. Marami pang mas importante kesa sa magkaroon ng lovelife.”

Biniro naman ni Derrick si Bea na kinilig ito sa naging ­kissing scene nila sa teleserye.

Mabiling na sumagot si Bea ng “hind kaya!”

Patuloy pa rin na binibiro ni Derrick si Bea sa halik na iyon.

“After nung kiss namin parang naging ano siya sa akin, parang naging maalaga.

“Sabi niya, ‘Uy Derrick okay ka lang ba? Kumain ka na ba?’’

Pero super-deny si Bea na wala siyang sinabing gano’n kay Derrick.