Una sa Balita

‘Be My Guest’ derby sa Pasay

By
0 464

INAASAHANG muli ang libo-libong sabungero sa ‘Big Event’ series ng Pasay City Cockpit, ang “Be My Guest 5-Cock Derby” sa Biyernes, Marso 29.

Si PCC pit manager Gerald Go ang host ng taunang pasabong na matatandaang may 156 sultada nitong 2018.

Aabot sa P1.5 milyon ang premyo sa paderbing hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 at dapat maipasa ang entries bukas, Huwebes, Marso 28 sa PCC office.

Samantalala, handa na ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at 12 pang grupo para sa “Building Bridges 6-Bullstag Derby” sa April 1 at 5 sa PCC.

Bukod sa LGBA, sasabak ang tropa ng Kapampangan Gamefowl Breeders Association, La Union Breeders and Cockers Club, Rizal Gamefowl Breeders Association, Quezon Breeders Club, United Manila Cavite GBA, Tarlac group ni Rep. Vic Yap, Sagupaan, Excellence, Experto, King Slasher, Thor at Bulacan Breeders Club.

Sa detalye: 0945-491-7474 (Erica); 0939-472-4206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy