Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BDP dokyu libreng gawa ng premyadong direktor

0 124

ISANG maikling dokumentaryong pelikula ang maaari nang mapanood ngayon ng publiko tungkol sa Barangay Development Program (BDP) matapos itong gawin nang libre ng isang premyadong director na nagsasaad ng kahirapan ng ating mga kababayan sa mga kanayunan, na pineste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Tanging hangarin ni Enzo Williams, FAMAS at Star Awards winner, sa paggawa ng dokumentaryo ay ang kanyang mga nasaksihang kahirapan ng mga kapwa Filipino na namumuhay sa malalayong barangay na dating pinamumugaran ng mga CPP-NPA-NDF.

“Bawat komunidad na masasaksihan niyo rito ay nakita ko na, at naramdaman ang kanilang kahirapan sa pamumuhay. Mas naapektuhan ako nang malaman kong tinapyasan ng malaking halaga ng ating mga senador ang budget para sa kanila. Sorry to say, parang na cut ang ending,” paliwanag ni Williams.

Dagdag pa ni Williams sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, tungkulin niya sa bansa na ipakita ang mga kamaliang ginagawa ng iba kaya niya ginawa ang dokumentaryo, para na rin makatulong sa pamahalaan at sa kanyang mga kababayan.

Ang direktor na siya ring gumawa ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay nagsabi na mahirap ang kalagayan ng mga Pinoy na nakaranas ng pamemeste ng mga komunistang-terorista, at ang kanyang dokumentaryo ay paraan aniya para malaman din at maintindihan ng kanyang mga kababayan lalo na ng mga senador na nagdesisyong bawasan ang pondo para sa BDP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.