Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BBM tuloy sa paghahanap ng gabinete

0 117

Tuloy-tuloy umano ang paghahanap sa mga magiging bahagi ng gabinete ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Marcos nagsasagawa ng mga panayam at pagsusuri sa mga tao na ikinokonsiderang maging bahagi ng susunod na administrasyon.

“I know people are excited kung sino pa ‘yong mga pangalang ilalabas pero tuloy-tuloy lang ‘yong interview process at vetting, searching para naman makabuo ng isang gabinete na talaga namang magiging responsive sa mga problemang haharapin,” sabi ni Rodriguez.

Nauna ng inanunsyo ni Marcos na ang gagawin nitong kalihim ng Department of Education ay si presumptive Vice President Sara Duterte habang si dating Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos naman ay sa Department of the Interior and Local Government.

Sa Hunyo 30 pa pormal na uupo si Marcos sa Malacañang. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.