Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BBM, Sara prinoklama na!

0 88

Opisyal na ang panalo nina Ferdinand Marcos Jr. bilang nanalong panguloat Sara Duterte bilang nanalong bise presidente sa May 9 elections matapos ang isinagawang canvassing ng Kongreso.

Dumalo sina Marcos at Duterte sa proklamas¬yon na isinagawa matapos na ideklara ng Senado at Kamara ang kanilang panalo kagabi.

Dalawang araw lamang ang itinagal ng canvas¬sing.

Na-canvass ng Kongreso ang 98.84% ng mga boto o 171 sa 173 certificates of canvass (COC). Hindi naisama sa canvassing ang boto mula sa Sy-ria at Buenos Aires dahil hindi dumating sa oras ang resulta nito sa Kongreso.

Sa manipestasyon nina House Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla sinabi nito na nagpadala ang Commission on Elections (Comelec) ng sertipikasyon kaugnay ng mga boto mula sa Syria at Buenos Aires.

“We are in receipt of a certification from Comelec dated 25th of May 2022 stating that there are two foreign service posts that conducted elections. The first post is Buenos Aires with countries of Argentina, Bolivia and Uruguay voting, and Damascus, Syria with Syria voting, and the number of registered voters is 515 and the number of votes cast is 129. But the results have not arrived,” sabi ni Remulla.

Dahil hindi na makakaapekto ang mga nabanggit na boto sa resulta ng halalan ay nagdesisyon ang dalawang kapulungan na itigil na ang canvas¬sing ng boto para sa pagka-pangulo at bise presidente.

Si Marcos ay nakakuha ng 31,629,783 boto samantalang ang pumangalawang si Vice President Leni Robredo ay nakapagtala ng 15,035,773 boto.

Si Duterte ay nakakuha naman ng 32,208,417 boto samantalang si Sen. Kiko Pangilinan ay nakakuha ng 9,329,207 boto. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.