Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BBM, Sara may sikretong kasunduan

0 131

MAYROONG kasunduan sina Vice President-elect Sara Duterte at President-elect Ferdinand Marcos Jr. bago pa man nagsimula ang kampanya noong May 9, 2022 elections.

Binanggit ito ni Duterte sa isang social media post kung saan muli itong nagpasalamat sa mga bumoto sa kanya matapos na iproklama ng Kongreso bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas.

“At ako din ay nagpapasalamat sa ating President-Elect Bongbong Marcos. Meron kami napagkasunduan bago pa man kami naging UniTeam at hindi niya nakalimutan iyon, nu’ng pinaalala ko sa kanya ng proclamation night, sagot niya, “Don’t worry, I’ll take care of it,” sabi ni Duterte.

Hindi naman isiniwalat ni Duterte kung tungkol saan ang kanilang kasunduan.

Naalala rin ni Duterte na noong kampanya ay naging mahaba ang pasensiya sa kanya ni Marcos dahil mayroon siyang sariling diskarte sa pangangampanya bukod pa sa inilalatag ng UniTeam.

“Pinagbibigyan niya ‘yung laging pag-excuse ko para kumain. At higit sa lahat kahit na dapat ay mauna umalis ang Pa­ngulo, kapag nagpapaalam ako na mauna umuwi lagi niya sagot ay mag-ingat,” dagdag pa ni Duterte.

Dagdag pa nito: “Good vibes lang. We shall always and forever be the UniTeam.”

Opisyal na magsisimula ang termino ng tandem nina Marcos at Duterte sa tanghali ng Hunyo 30. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.