Una sa Balita

BBL isasahog sa SONA ni Duterte

By
0 1,257

Kinumpirma nina Se­nate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Majority Leader Migz Zubiri na lalagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23 ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon sa dalawang lider ng Senado, ipapas­a na nila sa 3rd and final reading ang panukala ngayong araw na ito (Miyerkoles), na hulin­g session day para sa 2nd Regular Session ng 17th Congress.

Ito ay makaraang kum­­pirmahin sa kanila ni Pangulong Duterte na itinuturing nitong “urge­t bill” ang panukala.

“PRRD will send certification today or to­morrow after we promise­d him to pass it in both Houses then iron out the disagreeing provisions in bicameral and ratify it before the SONA if necessary,” saad ni Sotto.

“We all agreed to pass our own versions of BBL then iron out the diffe­rences during the bica­meral,” pahayag naman ni Zubiri.

Kinumpirma rin nina Sotto at Zubiri na sa ka­nilang timeline magsasagawa sila ng mga bicam meeting sa panahon ng session break.

Target naman na ra­tipikahan ang panukala sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 23 at lalagdaan ng Pangulo bago ang kan­yang talumpati kaya’t inaasahang magiging laman ng kanyang SONA ang BBL.