Una sa Balita

BB Gandanghari naghubo’t hubad sa Instagram

0 1,610

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyGinulantang na naman ni BB Gandang­hari ang netizen sa nakakawindang na photo posting niya sa kanyang Instagram wall.

Bilang selebrasyon sa kanyang 50th birthday na tinatawag niya ang sarili ngayon na ‘Golden Girl’, nag-post nga ang transgender actor ng nude photo niya sa kanyang wall.

Nakadapa si BB sa buhangin sa tabi ng dagat.

“A #natalday friendly reminder…’ Not only we were born in this world #barenaked, we also just a grain of sand on GOD’s endless shore… #Golden­BB,” sabi ni BB.

Ang nai-post na nude photo ni BB ay throwback picture niya na bumalandra na sa ilang mga showbiz sites ilang buwan matapos siyang bumalik at mag-migrate for good sa Amerika. Ang nasabing larawan ay kuha sa Calaguas Island, Camarines Norte, kung saan kasama nila ang international fashion designer na si John Herrera at ang isa pa nilang kaibigang si China Zamora.

Sa island get-away na ito, lumantad ang katotohanang wala pang sex-rearrangement na ginawa kay BB. Meaning, nanatili pa ring lalake at meron pa rin itong kargada na gaya sa isang lalake.

Naloka nga ang dalawa nilang kaibigan dahil sa walang pakialam na pag­huhubad ni BB sa kanilang harapan, at kumakalembang daw ang talong nito. Kung si Rustom Padilla raw ang naghubad at nagpakita sa kanila ng sandata, baka raw naelya pa sila.

Pero isang transgender ang humarap sa kanila na hubo’t hubad na gaya nilang bading, kaya parang naasiwa sila.

Anyways, tinanggap na nang bonggang-bongga ni Robin Padilla ang trip ng kapatid lalo sa naiposte nitong hubo’t hubad na larawan.

Nangunguna si Robin sa pagbati ng Happy Birthday kay BB sa IG wall nito, na deadma sa paghuhubad ng kanyang kuya, este, ate pala.

KC feeling wife kay Pierre sa Paris

Nakatagpo na nga ng tamang lalake si KC Concepcion kung ang pagbabasehan ay ang kanyang shot sa Paris kasama ang kasintahang French businessman filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.

Masisilip sa Instagram wall ni KC ang larawan nilang dalawa ni Pierre sa labas ng isang store.

Masaya si KC sa photo na naka-angkla pa ang isang kamay sa likod ng boyfriend at nakapatong naman sa balikat niya ang braso at kamay ng huli. Sa message caption, mababasang kuntento at happy si KC sa piling ni Pierre. Ipag­luluto pa raw niya ito.

“When in Europe, I love spending my afternoon in street markets to people-watch & grab a little merienda. Today, @peplassart & I took to one of my fav Parisien market streets #rueMontegeuil to get some fresh produce for some homecooking tonight! We also got a tiny dessert from @stohrer, the oldest patisserie in Paris, whose name belonged to the royal pastry chef that invented the ‘baba au rhum’ #kacecapades2018,” sey ni KC na feeling wife na nga kay Pierre.