Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BB Gandanghari ‘di bet paandar nina Padilla, Abrenica

0 374

Kundi nag-Instagram live si BB Gandanghari at tinanong siya ng isang follower niya kung ano ang masasabi niya sa away ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, wala palang kamalay-malay ang Los Angeles, California-based actress (na ‘ipinanganak’ nang ‘mamatay’ si Rustom Padilla) sa gulo sa pagitan ng kanyang niece at ng hunk actor.

Chika nga ni BB, “What I can advise these two, try to keep your dirty linens in the washroom. I’m sure you know what I mean.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo.”

Naku, makinig kaya sina Kylie at Aljur kay BB?

Parang hindi!

Assunta masaya sa ‘Urian’ ni Alessandra

Sobrang saya si Assunta de Rossi dahil ang kapatid niyang si Alessandra de Rossi ang nagwaging best actress sa katatapos na 44th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Nanalo si Alex (paboritong tawag sa aktres) para sa pelikulang ‘Watch List’.

Isa rin ang kapatid ni Sam (tawag sa misis ni Jules Ledesma) sa apat na artistang binigyan ng Dekada awards. Ang iba pang binigyan ng ganitong karangalan ay sina Nora Aunor, Angeli Bayani at John Lloyd Cruz.

Sa pagkamit ni Alex ng best actress sa Gawad Urian, pareho na silang may ganoong karangalan ni Sam.

“Sobrang happy ako for Alex. I’m sure masaya rin ang family namin dahil dalawa na ang Urian best actress awardee sa amin.

“Deserve talaga ni Alex ang award na ‘yon,” sey ni Assunta na nanalong best actress para sa 2001 movie niya na ‘Hubog’ (naka-tie niya noong 2002 Gawad Urian awards night si Rosanna Roces na nanalo naman para sa pelikulang ‘La Vida Rosa’).

Samantala, hindi natuloy ang pagkikita kahapon ng magkapatid para sa birthday lunch sana ni Fiore (first birthday niya noong Saturday) dahil nag-decide sina Assunta at Jules na i-postpone ‘yon.

“Sa Saturday (October 30) na lang ‘yung pa-lunch for Fiore. Nasabihan ko naman si Alex. So, sa Saturday na lang siya pupunta para we can celebrate rin ng pagkapanalo niya sa Urian,” sey pa ni Sam.

Kamakailan nga pala ay nakapagbakasyon si Alex sa lugar nila sa Martano, Italy pagkagaling niya sa Los Angeles, California para sa promotions doon ng Netflix movie nila ni Piolo Pascual.

From Martano naman, nag-Paris, France siya para sa shooting nila ni Empoy Marquez ng reunion movie nila na ‘Walang Ka-Paris’ (na inaasahang magiging big hit din katulad ng ‘Kita Kita’ nila).

Dingdong mabenta sa Tate

Nasa LA pa rin ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kasama ang anak nilang si Jayda.

May shows sa Amerika si Dingdong.

Sa Friday, sa The Noypitz sa downtown LA ang show ng mister ni Jessa at sold-out na raw ang tickets.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.