Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baybayin sa ‘Buwan ng Wika’

0 283

Ang Baybayin ay muling nabuhay nitong mga nakaraang taon, kasama ang maraming mga Pilipino na interesado sa pag-aaral nito upang balikan ang mga ugat ng ating kultura.

Nang aprubahan ng House committee ang “National Writing System Act” na naglalayong ideklara ang Baybayin bilang national writing system sa bansa at naglalayong gamitin ang Baybayin sa mga palatandaan sa kalye, pampublikong pasilidad, mga bulwagan ng gobyerno, publikasyon, at kahit sa mga label ng pagkain, marami ang mga linggwistiko, mga istoryador, at kahit sa mga pangkaraniwang Pilipino ay nadismaya.

Ayon kay Leo Emmanuel Castro ng Sanghabi, isang NGO na nagsasagawa ng mga pananaliksik at workshop ng kulturang Pilipino, karamihan sa mga interesado sa Baybayin sa mga unang araw ng muling pagbabalik nito ay mga Fil-Am.

Ang panibagong interes aniya sa baybayin ay biglang paglakas ng sining at calligraphy sa bansa. Tulad ng mga Pilipinong calligrapher na nais sanayin ang kanilang kakayahan, pinili nila ang baybayin sa halip na Japanese o Korean na hindi nila maintindihan. Sa kasalukuyan ang Baybayin ay makikita sa mga t-shirt, alahas, kagamitan at sa mga tattoo.

Gayunpaman, ang Baybayin ay hindi sumasaklaw sa sistema ng pagsulat ng buong Pilipinas. Ang Baybayin ay isa lamang sa mga sistema ng pagsulat na ginagamit bago dumating ang mga Espanyol.

Dahil dito ang mga salungat sa pagpasa ng panukalang batas ay nag-aalala sa pagpasa nito na mawawala ang iba’t-ibang script na mayroon na at patuloy na umiiral sa bansa. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.