Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bayaw ni Ate Vi pinadampot ng Ex sa pananakit

0 143

Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dating vice-governor ng Batangas at nakatatandang kapatid ni Sen. Ralph Recto matapos itong ireklamo ng kanyang ex-fiancee ng pananakit at ilEgal na pag-iingat ng mga hindi lisensIyadong matataas na kalibre ng baril.

Sa isang pahayag noong Lunes ng gabi, sinabi ni ACG officer-in-charge Brig. Gen. Bowen Joey Masauding na inaresto si dating Vice Gov. Ricky Recto noong Hulyo 3 sa bisa ng warrant to search, seize and examine computer data (WSSECD) na nag-ugat sa isinampang reklamo na violence against women and children (VAWC) at illegal possession of firearms ng kanyang dating fiancee.

Hindi naman tinukoy ni Masauding ang eksaktong lugar sa silangang bahagi ng Metro Manila kung saan dinakip si Recto.

Kabilang sa mga kinumpiska sa bahay ni Recto ang ilang digital devices tulad ng mga mobile phone, laptop at desktop computer. Natagpuan din sa bahay ni Recto ang limang hindi rehistradong mga baril na kinabibilangan ng 12-gauge shotgun at apat na pistol — dalawang 9mm, isang .25 caliber at isang 40 cal.

Samantala, mahaharap din sa panibagong assault case si Recto nang atakihin niya ang isang member ng operating team. Dinala ang dating vice governor sa ACG headquarters sa Camp Crame para sa booking at safekeeping para sa kanyang inquest. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.