Una sa Balita

Bayanihan Musikahan

0 522

Hindi hadlang ang lockdown sa mga artista ng bayan na ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa mga kababayan nating nangangailangan ng medical and health supplies sa panahong ito ng COVID-19.

Sa pamumuno ni National Artist for Music at Ramon Magsaysay awardee Ryan Cayabyab, hindi nagdalawang isip ang mga musikero at mangaawit na makiisa sa panawagan na Bayanihan Musikahan. Isang inisyatiba na mangalap ng donasyon sa mga indibidwal o mga pribadong kompanya para makapaghatid ng tulong sa mga kababyan nating lalong nangangailangan.

Sa ngayon ay halos isangdaan na ang nakalista at marami pang iba ang nagpapahiwatig ng kanilang pakikiisa.

Natural sa mga musikerong Pinoy ang tumulong sa pamamagitan ng kanilang mga talento. Hindi naging mahirap kay NAM Ryan Cayabyab ang humingi ng suporta at paghikayat sa mga artista.

Para mamahala at maihatid ang tulong na makakalap, katuwang ng Bayanihan Musikahan ang non-profit na Philippine Business for Social Progress, isang non-governmental organization na tuwirang tumutulong sa mga hikahos nating mga kababayan. Ang tulong ay hindi pinansyal kundi sa pamamagitan ng mga pangunahing medical supplies tulad ng maskara, gamot, maging mga pagkain na agad na kakailanganin sa loob ng mahabang community quarantine na ito. Sa ngayon ay halos nasa 10 milyon piso na ang natatanggap na donasyon.

Tunay na nagbibigay ng inspirasyon ang mga artista ng bayan sa ating lipunan. At walang hadlang na makapipigil para maipaabot ang suporta sa bayan, maging ang kinatatakutan na sakit na ito, covid 19.

Ang musika ay napakahalaga para maghatid ng pagkakaisa at pag-asa sa mga tao sa panahon ng matinding hamon. Kaya tara na at makiambag sa pagsuporta sa mga kababayan nating lalong nangangailangan.

Mabuhay ang Bayanihan Musikahan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More