Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bayanihan 3 tablado sa Senado

0 106

Hindi na kailangan magkaroon pa ng Bayanihan law dahil napalawig na naman aniya ang Bayanihan to Recover as One Act, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“We’re not discussing it because we extended Bayanihan 2 [Bayanihan to Recover as One Act],” pahayag ni Sotto sa isang forum.

“Because we extended Bayanihan 2, I don’t think there is a necessity for Bayanihan 3,” dagdag pa nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang pinalawig ng Kongreso ang Bayanihan 2 hanggang katapusan ng Hunyo ng 2021. Ang naturang batas ay dapat sana’y magpapaso noong Disyembre 2020.

“Bayanihan 2 is still in progress and I think they’re [the executive department] doing well, They’re doing fine, I can’t say it’s bad,” sabi ni Sotto hinggil sa implementasyon ng batas.

Sa Senado, may inihaing panukala para sa ikatlong Bayanihan law.

Sa Senate Bill No.1953 na inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, naglaan ng P485 bilyon para pondohan ang COVID-19 recovery effort ng pamahalaan.(Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.