Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bayanihan 3 ayuda ‘wag idaan sa barangay

0 52

Iminungkahi ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of the Inte­rior and Local Go­vernment (DILG) na humanap ng mapabilis na paraan para sa implementasyon ng Bayanihan 3 partikular sa pamamahagi sa mga benepisyaryo nito.

Ito’y matapos makalusot sa committee level ng Kamara ang panukala na naglalaman ng P405.6 bilyong pondo bilang panibagong dagdag tulong sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Garbin na kailangan hindi na umano ito matulad sa usad pagong na implementasyon ng Bayanihan 1 at 2.

Dahil dito, dapat simulan na umano ngayon ng DBM at DILG ang paggawa ng regulasyon at mekanismo upang masiguro na ang pondo sa proposed Bayanihan 3 ay mabilis na makakarating sa mga benepisyaryo nito.

Gayunpaman, iminungkahi ng solon na sa halip na idaan pa sa barangay ang pag-relis ng pondo na siyang isinusulong ng Kamara ay mas nakakabuting idirekta na ito sa benepisyaryo.

“For example, direct download to the barangays would mean DBM has the current proper bank accounts to which the SAROs can be transmitted. This means the DBM should have those accounts in its database already. However, if the DBM can find ways to download B3 funds directly to beneficiaries, that would be better,” ayon kay Garbin. (Eralyn Prado/Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.