Una sa Balita

Bayambang sa Pangasinan total lockdown na

0 541

SUMAILALIM na ngayon sa total lockdown ang bayan ng Bayambang, Pangasinan matapos maitala ang unang kaso ng nagpositibo at namatay dahil sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Ayon sa kumpirmasyon ng Bayambang local government unit (LGU) tuluyan na ring binawian ng buhay ang biktima nitong Marso 20 kung kailan dumating din resulta ng pagsusuri nito mula sa Department of Health (DOH) na ito diumano ay positibo sa nasabing virus.

Sinabi ng LGU, sa ipinalabas na advisory, epektibo ang naturang lockdown simula ngayong araw (March 21) ng alas-12:01 ng madaling araw.

Sa ilalim ng naturang direktiba, walang sinuman ang maaaring lumabas at pumasok sa bayan hanggang March 28. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More