Una sa Balita

Bayambang mayor, misis Covid positive

0 532

Positibo na sa coronavirus didease-2019 (COVID-19) sI Bayambang Mayor Cezar Quiambao at ang kanyang maybahay na si Nina Quiambao.

“On March 16, my wife, Nina, and I decided to have a medical check-up and have ourselves tested for COVID-19,” ani Quiambao sa kanyang statement.

“During our 14-day quarantine, we confirmed that we were both positive so we received proper treatment from the doctors who believe that we have now recovered,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay Quiambao, huwag mabahala ang kanyang mga kababayan dahil nasa mabuti na silang kalagayan ng kanyang misis.

Dagdag pa ng mayor, kailangan muna nilang mag-asawa na dumaan sa dalawang linggong quarantine period para maiwasan ang pagpasa ng virus sa ibang mga tao.

Aniya, siya ang nakikiisa para sa tawag ng karamihan na lumagi sa loob ng kanilang bahay ang mga tao at ugaliing regular na maghugas ng kamay. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More