Una sa Balita

Bawiin ang arrest warrants sa mga Lumad!

By
0 2

Kinondena ng Gabriela ang biglaang pag-iisyu ng warrant-of-arrest laban sa mga human rights advocates.

Naniniwala ang women’s group na gawa-gawa lamang ang kaso ng kidnapping at illegal detention laban sa mahigit 700 Lumad na puwersahang binulabog sa military operation sa Talaingod at Kapalong sa Davao del Norte at Bukidnon.

Kasama sa talaan ng inisyuhan ng warrant-of-arrest ay sina GABRIELA-Southern Mindanao Region Secretary General Mary Ann Sapar, SALINLAHI Alliance ng Children’s Concerns Secretary Gen. Kharlo Manano at Rius Valle ng Children’s Rehabilitation Center – Southern Mindanao Regional Office.

Abante Hiring – IT dep

“We are appalled that Davao City Regional Trial Court 10 Judge Retrina Fuentes suddenly issued the warrant des­pite the fact that the case was already dismissed in May 2­015 by Davao City Prosecutor Nestor Ledesma,” apela ni Joms Salvador, Secretary General ng GABRIELA.

Nananawagan si Salvador sa Duterte government na ikorek ang error sa inilabas na kautusan ng Department of Justice para ito ay mapawalang-saysay.