Una sa Balita

Bawi sa 16 oras perwisyo: LandBank bukas ngayong Sabado

By
0 520

NAGKAROON ng aberya ang ATM at electronic banking ng Land Bank of the Philippines (LBP) kahapon.

Habang isinusulat ang balitang ito, inaayos pa ang problema ng LBP para maibalik ang serbisyo sa mga depositor nito.

Ayon kay Nathaniel Nuqui sa Twitter, dalawang araw na nagkakaproblema ang system ng LandBank.

Abante Hiring – IT dep

“So ayun nga, ako lang ba yung na babadtrip sa #Landbank? 2 days na down ang system? EMV pa more! Tsk,” aniya.

Sabi naman ni Marh­gil Macuha sa Twitter kahapon ng tanghali, “What happened to @LBP_Official? More than 16 hours na, hindi pa rin naaayos ang kanilang technical problem.”

Humingi ng paumanhin ang LandBank sa mga depositor nito.

Sabi ng LandBank, magbubukas ang lahat ng branches nito sa NCR at ilang piling provincial branches ngayong Sabado mula 8:30 am hanggang 3:30 pm para sa over the counter withdrawals ng cash card at ATM accounts nito.

Binuksan din ng LandBank ang mga branch nito hanggang 6 pm kahapon (Friday) dahil sa naging problema sa ATMs at e-banking.

Sa LandBank dumadaan ang mga ayuda sa beneficiaries ng conditional cash transfer program ng pamahalaan. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay may 1.8 milyong beneficiaries.

Sa LandBank din dadaan ang ayuda sa mga jeepney driver sa ilalim ng Pantawid Pasada program na ngayong linggo lamang inilunsad.