Una sa Balita

Bawasan ang timbang

By
0 176

Ano ang tamang paraan para magpapayat? Ako ay 24-anyos. Ano ang dapat at hindi dapat kainin? — Name withheld

***

Para mabawasan ang timbang mo, mag-diet at mag-exercise. Sa pamamagitan nito, you can safely lose 3 or more pounds a week. Ito ang mga epektibong paraan para pumayat. Bago magsimula ng anumang exercise, kumunsulta sa doctor para malaman kung may sakit ka at mabigyan ka ng tamang exercise routine.

Huwag maniwala sa mga fad o crash diets. Walang magic na pagkain, gamot o bagay na makakabigay sa iyo ng katawan ng action star o supermodel sa mabilis na panahon. Kung meron man, panandalian lamang ito dahil ang nawawala sa katawan ay tubig lamang at hindi taba. Huwag din mag-fasting dahil madaming masamang epekto ito.

Hindi kailangan magpagutom o kumain tulad ng ibon para pumayat. Hindi rin kailangan bumili ng mamahaling equipment o mag-enroll sa gym. Ganito ang gawin mo:

Bawasan ang starches, asin, asukal at animal fat sa pagkain. Uminom ng maraming tubig. Nakakabusog ito pero hindi ka tataba tulad ng soft drinks, iced tea at iba pang inumin. Kumain ng maraming gulay, prutas, soy products, isda, non-fat dairy products at lean meat.

Kumain lamang sa mesa. Huwag kumain sa harap ng TV o computer at magbabad doon dahil hindi mo na mapapansin ang kinakain mo. Kumain sa tamang oras at maging busy sa trabaho, pamilya o sa mga hilig mo para hindi lang pagkain ang nasa isip mo. Good luck!

***

Paano ginagamot ang kulugo? Saan ito galing? Nakukuha ba ito sa itlog ng butiki na napisa sa kamay? Meron kasi sa daliri at palad ko. Pwede bang kuskusin ng bawang ito? Gumamit ako ng gamot na may salicylic acid at lactic acid pero walang nangyari. — Name withheld

***

Common warts ang tawag sa kulugo sa kamay at daliri. Kulay rosas, puti o kayumanggi ito. Hindi ito nakukuha sa butiki o palaka. Ito’y galing sa human papillomavirus. Meron higit sa 100 viruses na nagbibigay ng iba’t ibang klaseng kulugo. Ang nasa kamay mo ay hindi mismo ang virus kundi ang bahay nito. Doon siya nakatago sa ilalim ng balat. Kadalasan hindi delikado ang kulugo pero pangit tingnan at nakakahawa pa.

Nakukuha ito sa taong may kulugo o sa gamit niya tulad ng panyo o tuwalya. Pwede itong kumalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang mga bata at adults na mahina ang immune system ang kadalasan tinutubuan ng kulugo.

Kusang-loob nawawala ang kulugo pagkalipas ng dalawang taon kaya most require no treatment. Pwedeng bumili ng over-the-counter wart medications sa botika. May asido ito at tinutunaw nila ang matigas na balat para mapatay ang virus.

Humanap ng gamot na may 17% salicylic acid at sundin ang instructions sa paggamit nito. Ibabad muna ang kamay sa mainit-init na tubig for 10 to 20 minutes bago maglagay ng gamot. Tanggalin ang patay na balat between treatments sa pamamagitan ng nail file o pumice stone.

Pwede rin takpan ng gray duct tape ang kulugo. Pagkalipas ng anim na araw, ibabad ang kamay sa mainint-init na tubig at kuskusin ito ng emery board o pumice stone. Kung walang nangyari after two months, pumunta sa dermatologist for cryotherapy that will freeze the warts. Minor surgery is reserved for stubborn warts that don’t respond to other treatments.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 0935-972-0691. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy