Una sa Balita

Bawas trapik! 2 pang SLEX lane binuksan na

0 416

BINUKSAN kahapon ng San Miguel Corp. ang rampang paakyat ng Skyway galing Alabang viaduct at ang bagong lane mula Alabang-Zapote road hanggang Skyway na inaasahan nitong magpapaluwag ng traffic sa South Luzon Expressway habang ginagawa pa ang Skyway Extension project.

Dumalo sina DPWH secretary Mark Villar, DOTr secretary Arthur Tugade, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at SMC president and COO Ramon S. Ang sa inauguration ng mga bagong lane kahapon.

Nagpasalamat si Ang kina Villar, Tugade, at Fresnedi sa kanilang suporta para mabuksan ang mga bagong lane kahapon kaya natupad ang pangako ni Ang na mabuksan ito ng Disyembre 1.

Dagdag pa niya, pinahiram pa sila ng mga construction material ng DPWH para sa steel bridge at umabot sa Disyembre 1 ang deadline ni Ang.

“I know that our motorists from the south—Muntinlupa, Las Piñas, Cavite, Laguna, Batangas—have a hard time these past two months. Again, I sincerely apolo­gize for the inconve­nience this project has caused,” sabi ni Ang.

Simula kahapon, lima na ang magagamit na lane na northbound sa SLEX.

“This is already a big improvement from just three lanes at the viaduct, before the start of construction,” sabi ni Ang.

Ang Skyway Extension project ng SMC na nagkakahalagang P10 billion ay paaabutin sa Susana Heights at sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) sa SLEX. Dadagdagan nito ang capacity ng Skyway ng 4,500 sasakyan kada oras patungong hilaga at ng 3,000 sasak­yan kada oras patungong katimugan.

“Mga kababayan, ginagawa po namin ang lahat para mapabilis ang trabaho, at mapaganda ang daloy ng trapiko. Mahirap, pero kailangan gawin. Hindi na po uubra ang reme-remedyo lamang. Ang kailangan po natin, pang-matagalang solusyon,” sabi ni Ang. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy