Una sa Balita

Bawal pa ring maligo sa Manila Bay

By
0 689

HINDI pa rin maa­aring paglanguyan ang ­Manila Bay dahil mataas pa rin ang coliform level nito.

Ito ang muling babala ni Environment Secretary Roy Cimatu kasabay ng panawagan sa mga local government unit (LGU) partikular sa Lungsod ng Manila na ipagba­wal muna ang paliligo sa Manila Bay upang makaiwas sa sakit.

“Those waters aren’t yet swimmable. Three outfalls along Baywalk are still discharging dirty effluent into Manila Bay — making it dangerous to swim there at present,” pahayag ni Cimatu.

Matapos matanggal ang mga basura ay dinarayo na ngayon ang Manila Bay kung saan may ilan ang nakikitang naliligo kasama ang mga bata na edad 2-anyos pababa.

Ani Cimatu, marami pang burak at tambak na basura sa Manila Bay at nananatili pa rin sa milyon ang coliform level nito na sobrang taas sa 100 MPN na standard level, hindi pa rin umano nalilinis ang mga estero na konektado dito kaya patuloy ang pagpasok ng maruming tubig, bukod pa dito ang pagsasaayos ng water waste facility ng mga establisimyento na nasa paligid.

Una nang nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na hintayin muna ang water test result ng Manila Bay bago mag-swimming sa lugar dahil kapag nakainom umano ng maruming tubig ay maaaring pagmulan ng waterborne gastrointestinal disea­ses gaya ng diarrhea, cholera, typhoid, dysen­tery, skin diseases at eye infections. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy