Una sa Balita

Bawal nang magtrabaho sa ‘Pinas: Tony Labrusca nag-iskandalo sa NAIA

0 1,164

Ni Ruel Mendoza

Umakyat na ba ang kasikatan sa ulo ni Tony Labrusca at nagagawa na niyang manigaw sa isang immigration officer ng airport? Ito ang nasaksihan ng maraming tao sa aroganteng aktor habang nakikipagtalo ito sa isang opisyal ng NAIA Terminal 1.

Nakipagsagutan sa immigration officer ng naturang airport si Lab­rusca nang dumating ito noong January 3 dahil binigyan lang siya ng 30 days na manatili sa bansa.

Nag-tweet pa si Lab­rusca ng: “Just landed in Manila and the Philippine immigration only gave me 30 days here. LOL. K.” Pero burado na raw ang tweet niyang ito.

Nakatanggap ng maraming batikos ang pinakitang pagkaarogante ni Labrusca sa naturang opisyal ng NAIA.

“You don’t have a Philippine passport, not even born in the Philippines, and not travelling with Filipino parents, but you want the same treatment as the other former Filipinos.

“You even shouted and cursed at my supervisor, bragging that you’re a celebrity.

“Ang galing mo talaga umeksena, hindi ka na nahiya sa ibang tao. Sigaw ka nang sigaw sa harap ng officers. Boo!” post pa ng nakasaksi sa ginawa ni Labrusca.

Ang hinaing ni Labrusca ay kailangan niya ng mas mahabang stay sa Pilipinas dahil marami siyang tinanguan na trabaho rito.

Pinagtataka lang ng ibang netizen ay bakit nakakapagtrabaho si Labrusca sa Pilipinas na walang work visa? Hindi siya Filipino citizen kaya tourist visa lang meron siya.

“The funny thing is, you were so proud to brag that you work here when you’re only suppose to be a tourist here in the Philippines. Tapos may ganito ka pa na post. Palakpakan! For your info, Balikbayan visa is not a working visa. Nakakahiya ka. Period,” comment ng isang netizen.

Ayon sa Immigration Supervisor ay dumating si Labrusca sa NAIA Terminal 1 via PAL-Canadian flight noong January 3.

“He was referred by the primary immigration officer. Witnessed by other immigration officers and passengers.

“As tourist status na yun lang yun dapat na status niya talaga.”
Pero hindi raw ito ikinasiya ng aktor.

“He was vehemently demanding for this status this morning. The Balik Bayan Visa (RA6768) is a 1 year free visa upon arrival.

“It is a privilege for FORMER filipinos and their direct alien national family members (spouse and children) accompanying them.

“PRIVILEGE, NOT A RIGHT. — This is only given if the said ‘fo­reigner’ is traveling w/ his parents who’re former Filipinos or are still Filipino citizens.”

Hindi raw puwedeng bigyan ng Balik Bayan Visa si Labrusca dahil mag-isang dumating ito mula sa Canada.

“He was traveling with neither of his pa­rents this morning. He is a US citizen holding of course a US passport. Not even a dual citizen. Ayusin na lang sana yun status niya w/ our country – that was what I was trying to explain to him. He is after all ‘still a foreigner’­ obviously working in the Philippines w/o a proper visa,” diin pa ng immigration officer.

Ngayon ay nagkaroon na ng investigation sa katayuan ni Labrusca lalo na’t nalaman na nagtatrabaho ito na walang work visa.