Una sa Balita

“Bawal manakit ng pasaway sa quarantine”

0 534

Kahit pasaway at naghihigpit sa checkpoint ay bawal pa rin ang manakit ng tao.

Sinabi ni PNP deputy chief for Operations, Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, na kahit na naghihigpit sa checkpoint ang mga pulis ay kailangan pa rin sumunod ang mga ito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.

Mag-iimbestiga ang Philippine National Police sa insidente ng pamamalo ng ilang mga pulis sa mga residente sa Quiapo, Manila sa gitna ng Enhance Community Quarantine.

“Bawal ang ginawa ng pulis at puwede itong maparusahan kapag napatunayan,” Eleazar.

Ayon pa kay Eleazar na hindi kailangan manakit dahil may parusa naman sa mga residenteng magpupumilit lumusot sa checkpoint. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More