Una sa Balita

Bawal: Isa sa EDSA

By
0 409

Mukhang marami ang tutol sa panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang pagmamaneho ng mag-isa sa EDSA sa gitna ng rush hour.

Una, dapat linawin ng MMDA kung ano ang oras na sakop ng ‘rush hour’. Ito ba ay 5-9 am sa umaga at 5-7 pm naman sa gabi?

Pangalawa, ang mga side street, na dapat ay alternatibong ruta, ay marami pa ring naka-illegal parking, double parking, illegal vendor at iba’t ibang uri ng obstruction.

Pangatlo, marami pa rin ang colorum na mga bus, UV express at TNVS, na patuloy na bumibiyahe sa EDSA.

Hindi kasi maisip ng mga pribadong moto­rista na nagsasakripisyo na sila na hindi pagbiyahe isang araw sa loob ng isang linggo, bakit pa sila ipagbabawal sa EDSA kung single?

Bilang hugot ng ilang netizen, single na nga sa pag-ibig, pati ba naman sa EDSA?
Lord, Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT
NAG-IISANG IKAW (Louie Heredia)

Araw-araw na lang

Perwisyo ang dulot mo..

Walang galawan sa lansangan, naiipit ka..

Labis ang alaala

Sa opisina’y umabot kaya…

Bakit ngayo’y wala pa..

Solusyon ay nasan na?

Bakit kaya gano’n

Palala ng palala…

Sa bawat sandali, ang usad ko ay kakaunti…

Marahil ang problema

Sa kalye ay disiplina…

Dahil sa mga kolorum,

wala nang madaa­nan pa..

Ikaw ay pabor na ba?

Na bawal na sa EDSA

Ang bumiyahe nang mag-isa…

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

May kasama..

Nasa t’wina’y natatanaw..

Sa aking puso’y may itatanggi..

Ang nag-iisang ikaw

Bakit kaya gano’n

Kapag nag-MRT naman..

Kundi tumigil, sa loob ay mayroong ulan…

Marahil ay tanggap na nga..

Na sa EDSA’y walang ligaya

Mula umaga hanggang gabi, doon na nakatira…

Ikaw ay pabor na ba?

Na bawal na sa EDSA

Ang bumiyahe nang mag-isa…

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

May kasama..

Nasa t’wina’y natatanaw..

Sa aking puso’y may itatanggi..

Ang nag-iisang ikaw

Kahit na ano’ng mangyari

Trapik pa rin ito..

At ang lagi kong iisipin

Mahal ang bilihin!!!

Ikaw ay pabor na ba?

Na bawal na sa EDSA

Ang bumiyahe nang mag-isa…

Ay hindi sapat

Dahil kailangan ko

May kasama..

Nasa t’wina’y natatanaw

Sa aking puso’y may itatanggi

Ang nag-iisang ikaw!!!