Una sa Balita

Bawal epal sa pagtulong

0 540

Ibinawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pang-e-epal ng mga lokal na opisyal na paglalagay ng kanilang mga pangalan at mukha sa ayuda na ipinamamahagi sa mga tao na apektado ng enchanced community quarantine sa Luzon .

“ This is not a time for playing politics,” sabi pa ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya kasabay nang babala na papanagutuan ang mananamantala sa coronavirus crisis.

“Meron pang mga LGU (local government units) na nabalitaan kami na naghanda na ng mga envelop at nandun ang kanilang pangalan sa mga envelop na ipamigay. Kaya nakarating yan sa amin, siguro nakarating din sa Pangulo kaya siya naglabas siya ng kanyang frustration na hindi po ito panahon ng pamumulitika, panahon ito ng public service,” sabi ni Malaya sa isang radio interview.

“Naglabas rin po si (DILG) Secretary [Eduardo] Año ng kautusan sa ating mga LGU na walang epal, walang pangalan, walang picture at hayaan ang mga barangay na i-handle nang tama itong paglalabas ng ayuda,” dagdag pa nito.

Samantala, nilinaw pa ni Mal ya na ang listahan ng 18 milyong mahihirap na pamilya na tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 financial assistance sa loob ng 2 buwan ay manggagaling sa mga barangay.

“Ang listahan ay magmumula sa barangay kasi ang barangay naman ang nakakakilala ng ating mga mahihirap sa barangay. ero itong listahan ay subject to evtting and approval of the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” sabi pa nito. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More