Una sa Balita

Bawal bumuntot sa SEAG convoy — MMDA

0 338

SA panahon ng South East Asian Games (SEAG), pinapaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaway na motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbuntot sa convoy ng mga delegado.

Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, na isa ito sa nakita nilang problema sa ginanap na ‘simulation’ ng SEAG convoy sa Metro Manila nitong nakaraang Huwebes.

“Private vehicles were seen following the convoys,­ this is a big No No,” ani ni Pialago.

Inaasahan na ang pagdating ng bulto ng mga delegado ngayong dara­ting na linggo.

Sinabi ng tagapagsalita ng MMDA, posibleng pa­nganib sa convoy, lumalabag rin ang mga pribadong motorista sa pagpasok sa yellow lane para sumunod at mapabilis ang kanilang biyahe.

May dalawa pang napansin ang MMDA sa simulation na kanilang sosolusyunan.
Isa dito ang kailangan pa ng maayos na ‘deployment’ o pagtatalaga ng kanilang mga tauhan sa mga interseksyon na kalsada sa EDSA upang mas maayos na maipatupad ang ‘stop and go scheme’.

Napansin rin nila na patuloy ang pagpasok sa ‘yellow lane’ ng mga pribadong motorista kahit na may human barricade silang inilalagay at sa kabila ng kanilang anunsyo.

Sa kabila nito, naging­ matagumpay naman umano ang ‘simulation’ dahil sa mas maaga sa kanilang iskedyul na oras ang dating ng ilang convoy sa Philippine Arena sa Bulacan.

Para sa ‘opening’ ng SEA Games sa Nobyembre 30, magsasagawa sila ng iba pang aksyon para mas maging epektibo ang paghahatid ng mga dele­gado at atleta sa mga sports venues base sa nakitang mga problema sa simulation.

Muling ipinaalala ni Pialago sa mga motorista­ na makararanas sila ng tinatawag na ‘less inconvenience’ sa mga rutang daraanan ng convoy kabilang ang Roxas Boulevard, Ayala Avenue, Taft Avenue, Buendia, South Luzon Expressway (northbound), EDSA, Santolan, Mindanao Avenue, North Avenue hanggang North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi pa ni Pialago, nasa 2,000 tauhan ng MMDA ang kanilang ikakalat sa mga kalsada para magsilbing ‘human barricade’ sa rutang daraanan ng mga convoy. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy