Una sa Balita

Bawal ang tsismis, magsampay ng panty, bra sa Baguio

By
0 627

BAWAL na ang pagkakalat ng maling balita o tsismis mula sa mga madadaldal na kapitbahay.

Ito ang isang bagong ordinansa na mahigpit na ipatutupad ngayon sa buong siyudad ng Baguio.

Nagpasa ng ordinansa ang Barangay Upper Rock Quarry para ipagbawal ang paninira sa kapwa o pagkakalat ng tsismis.

Ayon kay Joey David, punong barangay ng Upper Rock Quarry, karamihan umano ng mga kaso sa barangay ay mula sa tsismis kaya naman nagpasa na lamang sila ng ordinansa upang maiwasan ang mga kaso sa barangay.

Sinabi naman ni Arci Cudlong, head ng social services committee ng barangay, multang P300 hanggang P1,000 ang maaaring kaharapin ng mapatutunayang lu­mabag sa ordinansa na sisimulan sa Pebrero 16.

Ibinawal na rin ang pagsasampay ng bra, panty, brief o mga underwear sa labas ng bahay. Ito ay nakasaad sa isang ordinansa ng Barangay Holy Ghost Pro­per sa Baguio City.

Multang P300 ang ipapataw sa mga lalabag sa ordinansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy