Una sa Balita

Bawal ang ‘nega’ sa PTV-4

0 353

HINDI nakaligtas sa mapanuring obserbasyon ng mga netizen ang nagaganap na pagbabawal sa pagbibigay ng mga negatibong ba­lita matapos nitong mapanood ang isang punto ng interview sa isang pambansang atleta na nabigo na magwagi ng gintong medalya.

“Dear FB friends? Did you see that? BAWAL ANG NEGA SA PTV4. Good news only. Naka silver ang isang wushu athlete. The coach of the Phil Wushu Team was ­being interviewed on site. He was abruptly cut off air when he said, “wala kami natanggap kahit singko from PSC,” sabi ni LizaGC@MomLiza sa Twitter account nito.

Una nang kinunan ng pahayag si Julian Camacho, na secretary general ng Wushu Fe­deration of the Philippines (WFP), matapos na magwagi ang mga pambansang atleta ng mga medalya sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa Hall A ng World Trade Center.

Gayunman, hindi napigilan ni Camacho na ihayag ang mga ­saloobin nito ­hinggil sa paghahanda at pagsasanay ng mga wushu artists matapos na hindi makatanggap ng mga ninanais nitong kalidad ng training.

Matatandaan na una nang inireklamo ng Wushu ang ­hindi maganda nitong pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports ­Complex na siya nitong tinitirhan at pinagsasanayan ng mga pambansang atleta.

Ilan sa mga pambansang atleta ang nagkakasakit dahil sa hindi maayos na lugar at tinutuluyan habang hindi rin sang-ayon sa international standard ang mga pasilidad dahil sa tinambakan ng mga construction equipment. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy