Una sa Balita

Bautista planong mag-resign

By
0 146

Aminado si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na pinag-aaralan na n’ya kung mag-leave of absence o tuluyan nang magbitiw sa pwesto kasunod ng kinahaharap na kontrobersiya at impeachment sa House of Representatives.

“We are weighing all our next steps. We want to protect the interest, first of all, of my family and the interest of Comelec. That’s what we’re studying, contemplating and praying for,” pahayag ni Bautista sa isang ambush interview ng mga mamamahayag nang dumalo ito kahapon sa budget deliberations ng House committee on appropriations.

Nang hingan ng reaksyon sa kinahaharap na impeachment, sinabi ni Bautista na hindi pa n’ya nababasa ang reklamo, handa umano n’yang harapin ang impeachment na isinampa laban sa kanya nina Atty. Ferdinand Topacio at Negros Oriental Rep. Jacinto Paras kaugnay sa pagkakaroon n’ya ng ill gotten wealth, gayundin sa tamang panahon ay sasagutin n’ya ang bintang na tumanggap diumano s’ya ng suhol sa Smartmatic.

Sa kanyang pagharap sa budget committee ng Kamara, agad na humingi ng paumanhin si Bautista sa hindi n’ya pagsipot sa pagdinig kamakalawa. Aniya, nag-leave s’ya dahil nakakuha siya ng appointment sa guidance counselor ng kanyang mga anak kaya tinugunan na muna niya ito.

Pinakiusapan naman ni House appropriations committee Chairman Karlo Alexie Nograles ang mga kapwa kongresista na huwag ungkatin ang mga isyung hinaharap ni Bautista sa budget hearing dahil hindi umano ito ang tamang venue. Ang dapat umanong tutukan ng tanong ng mga mamba­batas ay ang polisiya ng Comelec at ang hinihirit ng komisyon na P16B 2018 budget. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy