Una sa Balita

Bautista pinagbibitiw agad ni Digong

By
0 6

Hindi na pinaabot pa ng Malacañang sa Disyembre 31, 2017 ang pag-alis sa puwesto ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Jose Andres Bautista matapos tanggapin ang pagbibitiw nito.

Inilahad sa ipinada­lang sulat ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Bautista na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa Comelec at epektibo ito sa lalong madaling panahon.

“Upon the instruction of President Rodrigo Duterte, I wish to inform you that your resignation is hereby accepted, effective immediately,” bahagi ng liham na nilagdaan ni Medialdea.

Matatandaang Oktubre 12 ngayong taon nang isumite ni Bautista ang kanyang resignation letter at hangad umano nitong tapusin ang kanyang trabaho sa Comelec hanggang Disyembre 31, 2017.

Wala pang pahayag ang Malacañang kung sino ang posibleng puma­lit kay Bautista.