Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bautista gold sa bantamweight

0 64

NASUNTOK ni Ian Clark Bautista ang panibagong kampeonato sa Southeast Asian Games nang dominahin si Naing Latt ng Myanmar via 5-0 panalo para sa ikalawang sunod na gintong medalya ng Pilipinas sa 31st edisyon sa Bac Ninh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Ilang taon din hinintay ng 27-anyos na tubong Binalbagan, Negros Occidental para masundan ang nakuhang gintong medalya sa 2015 Singapore Games na nalampasan ang mabagal na panimula sa men’s bantamweight championship match at paburan ng mga hurado mula sa Uzbekistan, Thailand, United Arab Emirates, Jordan at Iran.

Dalawang sunod na edisyon ring nag-uwi ng bronze medal ang dating flyweight titlist sa 2017 Kuala Lumpur meet at 2019 SEAG na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City ng matalo sa semi-finals kay Chatchai-decha Butdee ng Thailand.

Dahil sa panalo ni Bautista ay nakapag-ambag ito ng ika-50th na ginto ng bansa. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.