Una sa Balita

Battle of sintunado? Vilma, Luis nagkabugan sa pagkanta

0 1,265

abante-i-know-better-jun-nardo
Aliw na aliw ang mga netizen sa mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano sa Christmas campaign ng Puregold na inilabas sa Facebook.

Siyempre, may kasamang drama ang unang eksena dahil nagpapasama si Ate Vi kay Luis na mamili. Eh, hindi pa tapos ang taping niya kaya malungkot si Cong. Vi sa mga eksena at napangiti na lang ng mga kumakanta sa supermarket.

Then, biglang umek­sena ang rock band na Aegis to the tune ng kantang original tungkol sa mga empleyadong nakakakuha ng 13th month pay at inengganyong mamili sa supermarket.

Bumulaga bigla sa stage si Luis at naki-jamming sa Aegis, huh! Eh, mas winner na host si Lucky kesa singer, di ba? Eh, patatalo ba si Ate Vi? Of course not!

Hayun at sabay silang naki-jam sa Aegis with matching yugyugan, huh!

Kung sa campaign ng supermarket last year eh, dance lang sina Ate Vi at Lucky,  this year, level up na dahil sing and dance na ang drama nila!

Mother Lily love ang SPEEd

Tanging si Mother Lily Monteverde ang naabutan naming producer na dumalo sa Christmas party ng entertainment editor’s group na SPEEd last December 1 na ginanap sa Limbaga 77, QC.

Take note, hindi lang nakisaya ang Regal producer kundi nag-donate pa ng cash para sa raffle, huh! Eh, hindi naman luhaan ang Regal matriarch na umuwi dahil kasama rin siya sa raffle at nag-take home ng basket of Christmas goodies!

Walang dudang love na love ni Mother ang entertainment editors at press dahil sa isang birthday niya, nagbigay siya ng blessing sa SPEEd at ilang press groups bilang tulong sa projects ng kani-kanilang orga­nisasyon.

Bago ang Christmas, magbabakasyon si Mo­ther kasama ang kanyang mga anak at apo. They will be back in time sa Parade of Stars kung saan official entry ang movie nina Dennis Trillo, JC de Vera at Kim Chui na One Great Love.

Sa December 25 ay birthday naman  asawa niyang si Father Remy Monteverde.