Una sa Balita

Bato nangopya ng sagot sa interbyu

0 781

Hindi agad nakasagot si dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Ronald ‘Bato’ dela Rosa at sa halip ay lumingon muna sa kanyang kasamahan bago sagutin ang isang tanong sa ginanap na senatorial forum ng CNN Philippines.

Kasama ni Dela Rosa sa nasabing forum ang mga tatakbo rin sa pagka-senador na sina Senador JV Ejercito at dating political adviser Francis ­Tolentino. Nang matanong kung payag ba ang mga ito na maglabas ng medical bulletin para ipaalam sa publiko ang kalagayan ng kalusugan ng Presidente, lahat ay agad na sumagot ng oo, maliban kay Dela Rosa na lumingon muna sa kasamahan.

Nang tanungin ito kung bakit ­tiningnan ang sagot ng iba, sinabi ni Dela Rosa, “Tiningnan ko ‘yung kakampi ko kung ano sagot nila, kakampi ko sina Tolentino, Ejercito siyempre kung ano sagot nila.”

Marami ang pumuna sa naging aksiyon ng dating pinuno ng BuCor at sinabing nangongopya lamang ito ng sagot sa kapwa nito tatakbo sa pagka-senador. Tinawag din itong walang sariling pag-iisip kaya kailangan pang tingnan ang sagot ng iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy