Una sa Balita

Bato movie nalibre sa buwis

By
0 730

MAKAKATANGGAP ng 65% tax incentive ang pelikulang “Bato: The General Ronald dela Rosa Story” na hango sa buhay ni da­ting Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa matapos itong makatanggap ng Gradong B mula sa mapanuring panlasa ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), tinalakay ng pelikula ang napakaraming problema na hatid ng masamang bisyo pero nasapol pa rin ng nasabing pelikula ang panlasa ng CEB.

Kumbinsido umano ang CEB na iminulat ng pelikula ang kamalayan ng lipunan sa masamang epekto ng operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Itinatag ang CEB sa ilalim ng FDCP sa bisa ng Republic Act 9167.

Nagbibigay ng insentibo sa buwis ang CEB sa mga producer ng pelikulang nagtataglay ng teknikal at makasining na merito.

Ang mga ­pelikulang nakakakuha ng B grade mula sa CEB ay makatatanggap ng 65% amusement tax sa halaga ng bawat biniling tiket ng manonood habang ang 35% naman ay mapupunta sa FDCP.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy