Una sa Balita

Bato kay Espenido: Isara mo bunganga mo!

0 538

PINATATAHIMIK na ni dating Philippine Natio­nal Police (PNP) chief at ngayon ay Senador Ro­nald ‘Bato’ Dela Rosa si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa pagsasalita kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan nito sa narcolist ng Pangulo.

Ayon kay Dela Rosa, hindi tama na ang isang opisyal ng pulisya ay putak nang putak, at kung hindi umano magpapapigil si Espenido ay dapat na umalis na muna ito sa serbisyo.

Dagdag pa ni Dela Rosa na may ongoing adjudication process ang PNP upang mabatid kung sino ang positibo sa listahan gayundin naman kung sino ang inosente kaya dapat ay huwag na lang munang magsalita si Espenido habang patuloy ang imbestigasyon.

“Please tell him to stop talking, sinisira lang n’ya ang sarili n’ya ‘pag ganoon, it’s not helping, talking indiscriminately is a not observing the proper decorum otherwise kung gusto niyang magsalita nang magsalita against sa PNP, lumabas siya o umalis siya from the organization, magkakaroon tayo ng lo­yalty check ‘pag ganoon,” pahayag ni Dela Rosa sa media interview sa Camp Crame kung saan siya guest of honor sa anibersaryo ng PNP Maritime Group kahapon.

Malabo rin umanong mangyari ang sinasabi ni Espenido na papatayin siya ng pulis dahil ma­ging ang Pangulo ay hindi naniniwalang sangkot siya sa iligal na droga.

Dagdag na paliwanag pa ng senador na kung mayroon umanong papatay kay Espenido, tiyak na ito ay mga rogue cop na naapektuhan sa kanyang operasyon sa kampanya kontra iligal na droga.

“Hindi naman, I don’t think so, siguro kung may pulis na magkakainteres sa kanya ay ‘yung mga ninja cops, hindi ‘yung pulis na matino”, paliwanag ni Dela Rosa.

Wala rin umano si Espenido sa narcolist noong panahon ng senador bilang PNP chief. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More